Thursday, February 21, 2008

RECOGNITION 2008

Naniniwala ako na ang tunay na pundasyon ng isang institusyon ay ang mga taong bumubuo nito. Ang mga gusali at batong naitatag ay bunga lamang ng pagsusumikap ng mga tao na ginampanan nang buong katapatan ang kanilang mga gawain sa mahabang panahon ng paglilingkod. Sa aking mga kasama sa paaralang ito, para sa inyo rin ang karangalang ito sapagkat sa labinlimang taong ipinaglingkod ko dito ay kayo ang naging kasama ko sa pagtupad ng aking tungkulin. Maraming salamat po, lalo na doon sa mga nauna talaga sa paaralang ito noong ito ay nagsisimula pa lamang. Alam natin kung gaano kahirap ang bawat pagsisimula. Naalala ko pa kung paano ako nagsimula dito bilang “General Clerk”; multi-tasking talaga ako noon—sa pagiging typing and filing clerk, nars, maintenance, in-charge of typing sa isang lumang Olympia typewriter, sometimes editing gamit ang correction fluid, printing sa isang makalumang mimeographing machine, mano-manong collating of test papers, checking of computation of grades; nagturo din ako sa Grade 2 noon; naging kontrobersyal na Finance officer din ako for 1 school year para mag trouble shoot lang; hanggang sa maging full time Registrar. Hindi ako namili ng trabaho o posisyon, basta kinailangan at pinagkatiwala sa akin, ginagampanan ko ng buong puso. Pagiging Principal at Director lang ang hindi ipinagkatiwala sa akin. Masaya ako sa mga ginampanan kong gawain ngunit nais ko pa muling mabigyan ng pagkakataong magturo sa hayskul ng Values Ed , ang pinakamahirap na subject sa paaralang ito.

Sa mga manggagawa ng paaralang ito na nagtiis sa simpleng buhay ng isang “Aranzan”; maliit lang ang suweldo, walang food allowance noon , wala ring transportation allowance pero nagpakita ng dedikasyon, may sikreto kayo. Una, ay ang paniniwala na sa inyong pagiging guro ay ginagampanan ninyo ang kalooban ng Diyos at pangalawa, dahil naging masaya ang samahan ninyo noon. 40 taon sa liwanag ng katotohanan ang NSDAPS at patuloy ang pag-unlad...Muli, maraming salamat sa inyo dahil bahagi pa rin kayo ng naging pundasyon ng paaralang ito. Kung wala kayo noon, paano kami ngayon? At ipahintulot ninyo na banggitin ko ang isang tao na masasabi kong dugong Aranzan na talaga. Naging mag-aaral siya dito at kabilang sa unang grupo na nagtapos dito ng Kindergarten, si Gng. Adelaida San Juan-Manansala. Mukhang kinder pa rin di ba? Kahit maliit, naging matatag yan dahil guro siya at naniwala siya sa biyaya ng Diyos na gumabay sa kanya.

Sa lahat ng mga kasama ko sa paaralang ito, may sikreto ang pag-unlad: We should develop good habits. Lima lang ang ibabahagi ko:
P-- Punctuality – be on time for every task. He who is punctual does the will of God.
O—Be organized. It is a skill borne out of being consistent all the time.
S-- Good study habits – sa mga empleyado, mga guro at mag-aaral kailangan ito. Huwag tumigil sa pagbabasa at paghahasa ng karunungan para maging maunlad tayo sa mga makabagong kaalaman.
H-- Good health habits – ang kalusugan ay isang kayamanan; avoid vices, have good sleeping habits, and good eating habits
S-- Sound spiritual habits – good prayer and sacramental life. This is the integrating factor in a person and this is how a true Aranzan makes a difference.
Lastly, let us keep our gaze at our Lady of Aranzazu because she has the unfading light which directs us to her Son, Jesus.

I am an Aranzan, I CARE. Proud to be an Aranzan. -------Rosalia M. Lim.02.22.08

1 comment:

Resie Palines-Singueo said...

Amen to what you said...may sikreto tayo. Kung wala, hindi tayo magtatagal at magtitiyagang magturo at maglingkod sa mga batang nag-aaral dito.

Tunay! Si Mam Neneth ay isang Aranzan na nagtiyaga at nagsikap na gampanan ang mga gawaing iniatang sa kanya sa mahabang panahon. Nakita ko kung papaano siya nagmalasakit sa mga mag-aaral, pati na rin sa mga guro at ibang kasamahan.

I am an Aranzan, I CARE. Proud to be an Aranzan. :-)