Thursday, July 2, 2009

HIGH SCHOOL DIPLOMA

Gimik at barkada lang ba ang nagbibigay kulay sa buhay ng isang kabataan? Paano nakakahigit ang kabataang nag-aaral sa kabataang out-of-school? Kung papipiliin ka, alin sa kanila ang mas gugustuhin mong maging kalalagayan mo? Sa sampung kabataan na malimit tumatambay sa tapat ng bahay namin, anim sa kanila ay out-of-school; ang mga dahilan, dahil marami silang magkakapatid, una-una lang ang pagpasok sa paaralan para may makatapos, dahil kailangan nang magtrabaho, dahil walang pantustos ang magulang sa pag-aaral ng anak, o dahil ayaw nang mag-aral.

Malimit elementarya lang ang natatapos ng marami. Kung kaya na palang magtrabaho ng ilang kabataan, sana ay hindi para buhayin ang pamilya kundi para tustusan ang sariling pag-aaral. Hanggang saan ba ang pagsisikap ng mga magulang na itaguyod ang pag-aaral ng mga anak? Hanggang elementarya nga lang ba ay sapat na para makakuha ng disenteng trabaho?

Bakit hindi high school diploma ang mithiin ng isang kabataan? Gaano kahalaga ito?

No comments: